Hey everyone! Let's talk about something a little spooky and fascinating: the mythical creatures of the Philippines.
Growing up, I was always captivated by stories about aswang, those shapeshifting creatures that could turn into dogs or pigs at night,
"Yung bata pa ako, nakakarinig lang ako ng sightings ng aswang.. kagaya ng kapag may nakikitang kahina-hinalang kilos ng isang hayop na nakamasid o nagbabantay, pagsasabihan na aswang tsaka ito tatakbo palayo, o may nagsasabing nakikitang nagpapalit-anyo. Eh yung kamag-anak ko daw dati na buntis, kamuntikan nang makain yung anak nya, nagdadalang-tao yung panahon na yun, kaya daw tumawag sya agad ng saklolo. Sana mas makapagkwento pa ko in detail ngunit dahil bata pa ako noon, iniingatan kaya ako ng mas nakakatanda o panakot lamang nila?"
and duwende, the mischievous little elves who lived in the forest and could either help or hinder you depending on their mood.
"Kwento naman sa akin ng mga kamag-anak ko dati, yung bata pa daw yung tita ko eh kamuntikan nang ma-kidnap ng duwende, bale ang kwento ay may kaibigan daw syang duwende at minsan na nawawala, minsan nakita syang papasok sa isang puno tapos yung nahatak ng iba, tila daw nawala bigla yung enchantment sa kanya at di na masyado maalala yung mga nangyari.. may hawak daw syang kendi noon ngunit yung binuksan nila yung wrapper, bato ang nasa loob. Dinadala daw sya noon sa ibang lugar kung saan nakita nya yung iba pang mga nawawalang tao na kahit subukan daw kausapin eh tila wala sa sarili, may tao din daw na nag-warn sa kanya na wag kainin yung gaya ng kendi na inaalok sa kanila ng duwende kundi matutulad daw sa iba. Pagkakaalala nya na kendi daw talaga laman ng iyon kaya laking gulat nang makita na matapos lahat ng pangyayari, bato na ang nasa loob.
Isang beses naman yung habang sobrang taas ng lagnat ng pinsan ko, may nagpakita daw sa kanya na isang maliit na nilalang, sobrang pangit daw ng itsura, luwa ang mga mata, kulay asul na kabalatan, punit-punit na kasuotan, at mabalbon. Bigla daw ito nagpakita sa harapan nya at agad din daw tumakbo papalayo nang siya ay nagulat. Base sa kwento nya na iyon, napapaisip ako kung ito kaya ay klase ng duwende o isang troll?
Ang susunod na kwentong ito, mas nakakasigurado pa ako na duwende, sa nasabing bahay ng nilagnat na pinsan, ang pamilya nila ay minsan nang nakakita ng matulin at maliit na tila-anino o figure ng tao, sinusubukang magtago mula sa paningin nila."
Then there's the sirena, the beautiful mermaid who lured sailors to their deaths with her enchanting voice.
"Yung highschool pa ako, nakwento sa akin ng kaklase kong babae yung nangyari daw sa nanay nya, baha at mataas yung tubig dahil sa pag-ulan yung panahon na iyon.. na sa sobrang taas ng tubig, ang mga mamamayan doon ay kinailangang gumamit ng bangka. Imagine nyo nalang na maraming tao sa bangkang iyon nang may bigla daw sila nakita na tila isang sirena o shokoy na kasama nalang daw nila biglaan. Di daw totoo ang ganda ng sirena, pangit daw talaga ang itsura nito, ngunit totoo na may katawang tao o torso ng tao.. makaliskis, at ang kulay na nagrerange sa green at blue. Dahil sa nakita nilang ito at gulat, nagtipon at pumunta yung mga tao sa kabilang side ng bangka na muntikan na daw ito tumaob, nalingat lang sila at pagbalik ng tingin, bigla nalang daw ito nawala."
These are just a few of the many mythical creatures that populate Filipino folklore. Each one has its own unique story, personality, and even powers. And while they might seem like just stories, they actually reflect a deep connection to nature and the spiritual world that Filipinos have held for centuries.
Take the kapre, for instance. This giant, cigar-smoking creature is said to inhabit trees and often scares people with its booming laughter. It's a reminder of the power and mystery of nature, and the importance of respecting the environment.
"Ang kwentong ito ay narinig ko na, na nasa edad na ako. Ito yung panahon na sa anihan ng mga mangga, kinailangan nang putulin ang mga puno, para makapagpatayo ng mga bahay sa lugar. Isang gabi, pauwi yung pinsan ko na sa daan daw biglang may sumakay sa tricycle nya na sa sobrang bigat, bumaba yung suspension ng tricycle habang nagmamaneho sya nito, yung malapit na daw sya sa kanila, pagdaan sa malaking puno ng mangga sa oras na iyon, tsaka lamang bumalik sa dating gaan ng pagmamaneho ng tricycle nya.
Isa pang kwento na nangyari naman sa kapatid nyang babae eh dahil daw may gusto at nililigawan sya ng isang kapre, gabi din yung oras na iyon nang bigla daw sobrang lakas na yumanig yung kama nya lang yung oras na iyon habang nakahiga sya rito, walang lindol yung oras na iyon at yung higaan nya lang mismo yung umuuga, hindi kabilang ang ibang mga gamit sa kwarto o sa lugar. Napapaisip nga ako kung dahil nga ba sa may gusto sa kanya yung kapre o baka galit dahil sa pagputol ng mga puno sa lugar? Baka pareho at nagpapaalam? Ano sa tingin nyo?"
Or consider the tikbalang, a creature with a horse's head and a human body, known for its mischievous pranks and its ability to lead travelers astray. It's a symbol of the dangers of losing your way, both literally and figuratively.
These creatures are more than just scary stories. They're a reflection of our ancestors' understanding of the world around them, their fears, and their hopes. They're a reminder that there's always something mysterious and unknown out there, even in our own backyards.
So, what do you think? Do you have any favorite Filipino mythical creatures? What other mysteries fascinate you? Do you think life is a simulation? Do you believe in aliens? Or maybe you'd rather talk about the Bermuda Triangle?
Let's dive into these mysteries together!