Ano ang mga sanhi ng burnout sa trabaho, at paano ito maiiwasan?

Sa araw-araw na paghahanap-buhay, hindi maiiwasan na may ilang empleyado na makaramdam ng burnout dahil sa bigat ng trabaho at stress. Anu-ano nga ba ang mga sanhi ng burnout sa trabaho, at paano ito maiiwasan?

Sa podcast na “Share Ko Lang” ni Dr. Anna Tuazon, binanggit ni Dr. Chantal Tabo-Corpus ang ilang pangunahing sanhi ng burnout, ayon sa may-akda at journalist na si Jennifer Moss.

1. Bigat ng workload – Pakiramdam ng isang empleyado na marami siyang kailangang gawin ngunit kulang ang kaniyang oras. Dagdag pa rito ang mga deadline na hindi niya kayang maatim, sa kabila ng kaniyang time management skills.

“Oftentimes at work we need independence, we need autonomy. So if you have, let’s say, supervisors or colleagues who tend to micromanage, tell you what to do, how to do it, and you can’t do your own style, hindi mo magawa ‘yung gusto mo, another factor for burnout ‘yan,” sabi ni Tabo-Corpus.

“It makes you feel wala kang freedom, wala kang contribution, or wala kang ambag sa trabaho,” dagdag niya.

2. Lack of reward or recognition – Nararamdaman ito ng isang empleyado kung nagsusumikap siya at “all effort” sa kaniyang ginagawa ngunit hindi pinahahalagahan ng kaniyang amo o kompanya.

Dahil dito, hindi siya ganado o “motivated” at maaaring makaramdam ng galit, kalungkutan, sama ng loob at pagtatampo.

3. Poor relations o hindi mabuting ugnayan sa mga katrabaho at mga boss. Para sa mga Pilipino na “social beings,” mahalaga sa kanila ang may magandang relasyon sa kanilang mga katrabaho, mga supervisor, kliyente, at stakeholders.

“So, if you go to work tapos we feel that we don’t belong or we feel isolated, discriminated, outcast, that, you know, definitely a factor for burnout,” sabi ni Tabo-Corpus.

4. Lack of fairness – Nararamdaman ito ng isang empleyado kung may favoritism, bias at discrimination, gaya na lamang kung napupunta sa kaniya ang trabaho ngunit walang ginagawa ang kaniyang katrabaho.

Nadadagdagan din nito ang emotional at mental stress ng isang empleyado.

5. Hindi tugma ang values ng empleyado sa workplace – Ito ay kung taliwas ang work culture ng kompanya sa personal na value ng empleyado, o kung may pinaniniwalaan ang empleyado na hindi niya nakikita sa kaniyang trabaho.

“So, usually these things, kapag nagpatong-patong, you slowly feel the burnout,” sabi ni Tabo-Corpus.

Payo ni Tabo-Corpus, alagaan ang sarili.

“I’d like to reassure them that there’s nothing wrong with taking care of yourself because you are equally important [with] the people that you love. So, taking the time is a form of self-love, self-compassion. Everyone needs for you to be happy and have a good life, happy well-being,” saad niya.

“If you feel guilty, think of it siguro na lang as an investment for your own future. That for you to be well, you also take the time to pause and be with yourself. And that’s okay. It’s fine,” dagdag ni Tabo-Corpus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top