Sugatan ang isang laborer matapos barilin ng kanyang kainuman sa Brgy. Acacia, Davao City, Lunes ng madaling-araw.
Nagtamo ng dalawang tama ng baril sa tuhod ang 50-anyos na si Victor Hernale nang barilin ng suspek na si “Roland”.
Ayon sa Davao City Police, nagkainuman ang dalawa sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan nang biglang maghamon ang biktima na barilin siya dahil “bulletproof” umano ang kanyang katawan.
Hindi naman nagdalawang isip ang suspek na barilin siya, pero napuruhan pa rin ito.
Isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang biktima at nakatakdang isailalim sa operasyon dahil sa mga tinamo nitong tama ng bala.
Patuloy ang followup operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek.