Warning: Junkfood Lovers!!

Isang 19-anyos na dalaga na kinilalang si Angel Mae Gallo ang nagdadalamhati matapos siyang dalhin agad sa ospital dahil sa matinding pananakit ng kanyang tagiliran at hirap sa paghinga. Ayon sa ulat, madalas umanong kumain si Angel ng instant noodles at sinasabay pa ito ng pag-inom ng soft drinks tulad ng Coke.

Dahil sa kanyang abalang iskedyul bilang isang estudyante na naka-board lamang, ito ang kanyang mabilis na solusyon para sa pagkain. Subalit, natuklasan ng mga doktor na siya ay nasa Stage 5 Chronic Kidney Disease na at kinakailangang sumailalim sa regular na dialysis dahil sa sobrang taas ng kanyang creatinine level.

Sa ngayon, ligtas na si Angel ngunit kailangang magpa-dialysis ng dalawang beses kada linggo upang mapanatili ang kanyang kalagayan. Isang paalala ito sa lahat na maging maingat sa ating mga kinakain, lalo na ang mga processed foods at inumin na maaaring magdulot ng masamang epekto sa ating kalusugan. ‎

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top