Ingay ng mga Motorsiklo sa Pagsalubong ng Bagong Taon

Bukod sa tradisyunal na pagpapaputok, isa pang naging pinagmumulan ng ingay sa pagsalubong ng Bagong Taon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang mga motorsiklo. Marami sa mga motorista ang gumagamit ng modified mufflers para mapalakas ang tunog ng kanilang mga makina, na nagdulot ng kasiyahan sa kanila ngunit inis naman sa mga residente.

Ang paggamit ng modified mufflers ay hindi lamang nakakairita, mayroon din itong negatibong epekto sa motorsiklo mismo. Ayon sa isang mekaniko, bukod sa pag-aaksaya ng gasolina, madali rin itong makasira ng makina. Dagdag pa rito, sa ilang lugar tulad ng Maynila, ipinagbabawal ang paggamit ng maiingay na tambutso. May mga ulat din ng mga motorsiklong nasunog sa mga probinsya dahil sa patuloy na pagbobomba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top