Luh si Ate

Luh si Ate

Usong-uso ngayon ang Money Cake bilang sorpresa sa mga kaarawan, kung saan inilalagay ang perang hihilahin mula sa cake. Pero isang viral post mula kay Bea Manuel Sigua ang nagpatawa sa netizens matapos magkwento tungkol sa isang customer na kinansela ang order dahil inakala nitong kasama na ang ₱10,000 sa halagang ₱1,500.

“Hindi po ako nag-aabono sa money cake 

 kung ₱1,500 lang at may ₱10k, ako na lang ang oorder sa ibang baker!” pabirong sabi ni Bea. Dagdag niya, nakakadismaya ang effort sa pagwi-withdraw, pagpapabarya, at pagbabalot ng pera, tapos ay biglang kakanselahin.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang post, karamihan ay natawa sa maling akala ng customer, habang ang iba’y nagbigay simpatiya sa hirap ni Bea bilang baker. Isa itong paalala sa kahalagahan ng maayos na usapan sa negosyo.
Ctto. Trending pos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *