Vice Ganda: Ilang years na po kayong breadwinner?
Michael: Since 3rd year high school po ako. Up to now po, breadwinner po ako ng family.
Vice Ganda: So may sampung taon na?
Michael: Yes po, mahigit po.
Vice Ganda: So ilang buhay na tinataguyod mo?
Michael: Bale ‘yung father, mother ko po, ‘yung kapatid na 4, tapos po ‘yung anak ng panganay namin na 4 na pamangkin ko po.
Vice Ganda: Paano magkakasya ‘yung 18k or 16k, tapos may kaltas sa isang buwan? Paano ‘yun?
Michael: Ang ginagawa ko na lang po, for example, sasahod ako ng 8000. Ang linis diyan is 7500. Ang pinaka-total sa nasasahod ko, ‘yung 7000, pinapadala ko po lahat sa family since ako lang po talaga ngayon ang inaasahan nila when it comes to the basic needs and other needs ng mga pamangkin ko po.
Vice Ganda: Eh paano ka dito sa Maynila kung walang natitira sa ‘yo, kung lahat nasa kanila?
Michael: ‘Yung naiiwan po na 500, pinagkakasya ko po ‘yun bago ako ulit sumahod.
Vice Ganda: For 15 days?
Michael: Yes po. Minsan po, nanghihiram po ako. I am so thankful po na may mga kaibigan o co-teacher na binibigyan ako ng tulong dahil alam po nila ang sitwasyon ko sa buhay.
Vice Ganda: Paano ka kumakain, sir? Kung 500 sa 15 days, magkano per day?
Michael: Bumibili na lang po ako ng chicken pastil, ‘yung 30 pesos po. Minsan, dalawang beses o isang beses na lang ako kumakain sa isang araw.
Anne Curtis: Grabe! And you need so much energy kung PE teacher ka kasi physical.
Vice Ganda: Alam sa paaralan ninyo na ganyan ang iyong sitwasyon?
Michael: Yes po, kaya may friends akong tumutulong at hinihiraman ko po.
Michael: Ngayon lang po malalaman nila mama at papa na minsan ‘yung binibigay ko sa kanila inuutang ko (umabot na ng 100k).
This is so heartbreaking! This should be a wake-up call for parents to plan for their children’s future. Do not pass the responsibility of providing for the family onto your kids. Your children deserve the chance to pursue their dreams and soar.
And please, if you choose to raise children, do not delegate the responsibility of raising them to others. Be a responsible parent. Breadwinners are victims of their circumstances, too. After all, how can you help others if you can’t even help yourself? #donotrepost#donotcopy#writeyourown#truthslaps